Mabilis na nabayaran ni Xandro ang pagkakautang niya sa Boarding House at ngayo'y kasalukuyan siyang naghahanda para sa itinuturing
niyang unang date nila ni Lynette.
"May lakad ka ba Xandro?" tanong ng kapapasok lang na si Eric habang pinagmamasdang naglalagay ng Gatsby Wax si Xandro sa kanyang maiksing buhok.
"Opo Tito Eric, magkikita ho kami ngayong gabi ng nai-kwento ko sa iyong si Althea, iyong naging kaibigan ko noong nagkahiwalay tayo sa train station dati," nakangiting sagot ni Xandro.
"Aba magkikita pala kayo ng maganda at