ang ibabaw ng lumang train station, agad siyang lumipad pababa. Sisigaw na sana siya ng Xander nang biglang may tumawag sa kanya ng, "Xando!" mula sa loob ng lumang train. Lumingon si Xander sa pinanggalingan ng boses. Nakita niya si Althea, nakadungaw sa bintana ng lumang train.
"Althea!"
Agad na tumayo si Althea at lumakad nang mabilis patungo sa labasan ng train. Tumakbo naman agad si Xander para salubungin si Althea sa pagbaba.
"Xando, dumating ka!" sabi ng tuwang-tuwang si Althea.
"Ikaw rin nakarating ka!" Hinawakan agad ni Xander ang isang kamay ni Althea para alalayan ito sa pagbaba. Pinagmasdang mabuti ni Althea ang mukha ni Xander