Xander ang isang bulaklak na rosas kay Althea habang nakatingin sa magandang mukha nito.
                 "Ang ganda at ang pula naman nito Xando, salamat pero ba't isa lang ang ibinigay mo ha, paano iyang apat na natitira, hindi ba para sa akin din iyan, Xando?" natutuwa at nagtatakang tanong ni Althea kay Xander.
                 Ngumisi agad si Xander at unti-unting tinanggal ang mga petals ng dalawang rosas. Nagpatuloy lang si Xander sa pagtangal sa mga petals at paminsan-minsang sinusulyapan si Althea. Natutuwang pinanood lang ni althea ang pagtanggal ng mga petals ng rosas. Sa wakas ay natapos na ni Xander ang lahat ng mga petals ng rosas. At pagkatapos ay parang sa isang seremonya ay marahan niyang itinapon ang mga pira-pirasong rosas sa ibabaw nila, at bumagsak sa 
kanilang mga kandungan, sa bench, at saka sa sahig, pumalibot ito sa kanila. At ng matapos na siya at muli niyang sinulyapan si Althea at nakangiting naghintay.
                  “Ikaw, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa ‘yo. Kadalasan pagdating ng babae ay nakakalat na ang mga rose petals sa sahig o kahit saan na hinihintay ang pagdating ng babae. Pero ikaw, pinitas mo ito sa mismong harapan ko. Goodness saan mo ba natutunan iyan,” sabi lang ni Althea na nakangiti sa kanya. “At inaamin kong, mas gumanda at mas naging kaakit-akit ang lumang train station dahil sa ginawa mo.”
                Ngumiti lang si Xander kay Althea at agad na hiwakang muli ang isang kamay nito.  
      
         "Maraming beses ka bang nagpabalik-balik rito para hintayin lang ako Xando?" mahinang tanong ni Althea.
               "Oo maraming beses akong nagpabalik-balik rito para makita lang kitang muli.  At kahit napakaraming beses na akong nabigong makita ka, hindi pa rin ako nawalan ng pag-asa alam kong darating din ang araw na magkakasama tayong muli," pagtatapat ni Xander.
                 "Matagal ko na ring gustong umuwi ng Pilipinas para makipagkita sa 'yo.  Kaya lang pinipigilan ako ng mga lolo at lola.  Mahal na mahal ko sila pareho at napakalaki rin ng utang na loob  ko sa kanila kaya nahihirapan akong suwayin ang mga kagustuhan nila.  Sila na ang nag-aruga at nagpaaral sa akin mula ng mawala ang mga magulang ko.  Kaya lang itong huli'y  hindi ko na talaga kayang sundin ang 
kahilingan nila."
                   "Kahilingan... anong kahilingan iyon Althea?"
                    "Nais nilang ipakasal ako kay Robert,  anak ng kasosyo nila sa negosyo sa America.  Ipinaliwanag kong mabuti sa kanila na may iba na akong minamahal subalit hindi nila ako pinakinggan.  Pilit pa rin nilang itinakda ang kasal naming dalawa.  Inipit pa ng lolo at lola ang mga pera ko sa bangko maski mga credit cards ko'y hindi rin nila pinalampas.  Kaya nahirapan akong makauwi pabalik dito sa Pilipinas.  Mabuti na lang at dumating ang kaibigan kong si Veronica,  tinulungan niya akong makatas isang araw bago ang kasal ko kay Robert.  Binayaran lahat ni Veronica ang pamasahe ko pauwi rito.
                "Mabuti naman pala't nagkaroon ka ng mabait at 
matulunging kaibigan dahil kung hindi malamang ay hindi na tayo muling nagkita pa."
                "Oo mabait at maaasahan ko talaga iyang si Veronica sa lahat ng bagay."
                "Ang tagal-tagal ko nang nanabik na muling makita ka Althea.  Simula ng mga bata pa tayo, alam na alam ko na kung ano ang nararamdaman ko para sa 'yo.  Wala akong ibang babaeng pinangarap makita at makasama kundi ikaw Althea.  Mahal kita Althea, mahal na mahal.  Tama ba ako sa aking pagkakaunawa na ako ang dahilan kung bakit nagawa mong suwayin ang minamahal at iginagalang mong mga lolo at lola Althea?  Mahal mo rin ba ako ha Althea?" mahinang tanong ni Xander.
            
   Hindi sumagot si Althea, bagkus ay tumayo ito at pinagmasdang mabuti ang lumang train sa harapan nila.
               Kaya tumayo si Xander at hinawakan ang isang kamay ni Althea, hinatak niya ito paharap sa kanya. Tinitigan ni Xander ang mga mata ni Althea habang hawak-hawak ang dalawang kamay nito.
             "Mahal kita Althea."
             "Talaga bang mahal mo ako Xando?"
             "Oo mahal na mahal kita Althea!" halos pasigaw nang sagot ni Xander.
             "Talaga mahal na mahal mo ako?"
             "Mahal na mahal!" mabilis at malakas na sagot ni Xander.
         
    "Talaga?" nakakaakit na tanong ni Althea.
             "Oo sinabi eh ang kulit mo naman..."
              Natawa si Althea sa sinabi ni Xander.  Natawa na rin si Xander.  Tawanan sila nang tawanan habang patuloy na magkahawak ang mga kamay at pinagmamasdan ang mukha ng isa't isa.  Tawanan sila nang tawanan.  Hanggang sa dahan-dahang humina ang mga tawanan nila.  Tumigil si Xander sa pagtawa at pinagmasdan ang magandang mukha ni Althea.  Tumigil na rin sa pagtawa si Althea subalit hindi pa rin nawawala ang nakakaakit nitong mga ngiti habang pinagmamasdan si Xander.
             Hinawakan ni Xander ang dalawang balikat ni Althea.  
 "Napakaganda mo talaga Althea... mahal na mahal kita,"