"Maraming beses ka bang nagpabalik-balik rito para hintayin lang ako Xando?" mahinang tanong ni Althea.
"Oo maraming beses akong nagpabalik-balik rito para makita lang kitang muli. At kahit napakaraming beses na akong nabigong makita ka, hindi pa rin ako nawalan ng pag-asa alam kong darating din ang araw na magkakasama tayong muli," pagtatapat ni Xander.
"Matagal ko na ring gustong umuwi ng Pilipinas para makipagkita sa 'yo. Kaya lang pinipigilan ako ng mga lolo at lola. Mahal na mahal ko sila pareho at napakalaki rin ng utang na loob ko sa kanila kaya nahihirapan akong suwayin ang mga kagustuhan nila. Sila na ang nag-aruga at nagpaaral sa akin mula ng mawala ang mga magulang ko. Kaya lang itong huli'y hindi ko na talaga kayang sundin ang