kahilingan nila."
"Kahilingan... anong kahilingan iyon Althea?"
"Nais nilang ipakasal ako kay Robert, anak ng kasosyo nila sa negosyo sa America. Ipinaliwanag kong mabuti sa kanila na may iba na akong minamahal subalit hindi nila ako pinakinggan. Pilit pa rin nilang itinakda ang kasal naming dalawa. Inipit pa ng lolo at lola ang mga pera ko sa bangko maski mga credit cards ko'y hindi rin nila pinalampas. Kaya nahirapan akong makauwi pabalik dito sa Pilipinas. Mabuti na lang at dumating ang kaibigan kong si Veronica, tinulungan niya akong makatas isang araw bago ang kasal ko kay Robert. Binayaran lahat ni Veronica ang pamasahe ko pauwi rito.
"Mabuti naman pala't nagkaroon ka ng mabait at