dahil wala akong ibang minamahal mula sa umpisa hanggang ngayon kundi si Althea lamang," mabilis na sagot ni Xander.
             "Mabuti kung ganon Xander.  Ang mabuti pa'y iwanan na muna kita rito at nang makapagpahinga ka na.  Huwag kang masyadong mag-alala at tiyak makakahanap at makakahanap ka rin ng paraan para muli kayong magkaayos ni Althea," paniniguro ni Eric kay Xander. 
             Matapos lumabas ni Eric, nanatiling tahimik at nakadungaw sa may bintana si Xander.  Naalala pa rin niya ang malabis na pagkatakot sa kanya ni Althea sa muli nilang pagkikita.  Matanggap pa kaya akong muli ng pinakamamahal ko?  Makaya pa kaya niya akong mahalin sa kabila ng kanyang nasaksihang paglabas ng mga pangil ko?"