kinakailangan mong ipagtanggol ang sangkatauhan laban sa higit pang mas makapangyarihang mga nilalang gaya ng mga aswang, manananggal at maging ng mga aliens na gustong sakupin ang ating mundo. At dahil sa panibagong lakas at kapangyarihang ito ang paglabas ng iyong mga pangil ay magiging panandalian na lamang. Pagkatapos nitong lumabas ay kusa rin itong maglalaho para maipagpatuloy mo na kung ano man ang gusto mong gawin sa hinaharap. Kaya dapat kang makahanap agad ng paraan para kusa kang halikan ni Althea. Sana tama ako sa aking nararamdaman na ang babaeng si Althea na nga ang iyong kakambal na pag-ibig," mahabang pagsisiwalat ni Eric.
"Tungkol sa bagay na 'yan, kung may kakambal nga akong pag-ibig. Nakasisiguro akong si Althea na nga ito